[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used ismarked as ~g.][Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba paupang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ayhindi na ginagamit.]
Periodistang tagalog, Director artísticosa Kapisanan nang
man~ga autores lírico-dramático La Juventud Filipina
at Autor nang maraming casulatan: Kalendario,
istoria, biografia, etc.,etc.
ICALÁUANG PAGCAHAYAG.
MAYNILA: 1912.
IMPRENTA, LIBRERIA AT PAPELERIA
NI
J. MARTINEZ.
Plaza Moraga34-36, Plaza Calderón 108 at Estraude 7, Binundok.
Sa cay P. Dr. José Burgós (30taon),P. Jacinto Zamora (35 taón), P. Mariano Gómez(85 taón) at sa nadamay na si Miguel Zaldua, lubós nadinaya nang man~ga fraile, inihahandóg co itong abangala-ala, sa canilang pagcamatay sa bibitayáng itinayósa pooc nang Espaldon ó Bagumbayan nang icá 28 nangFebrero nang 1872.
HONORIO LÓPEZ.
P. Dr. JOSÉ BURGOS
Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib, tapát na pagsintang namahay sa isip na maipahayag canilang sinapit, tanang guni-guni'y linupig na tiquís. Cusang pinatuloy tumiim sa hagap ang pinanghauacan ang nanasang liag may ganáp na bait camahalang in~gat, macapagpupuno sa caculan~gang lahat. Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao, na cusang natapos sa abang bitayan, sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan. Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat, unang «monumento» ng pagpapahamac niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat n~g dunong at yaman tubong Filipinas. Sila namang tunay ang unang larauan |